Mga evacuees ng Naga City dahil sa Bagyong Amang bumalik na sa kani-kanilang tahanan

NAGA CITY – Bumalik na sa kani-kanilang mga bahay kahapon ang mga taga lungsod ng Naga na pansamantalang nag evacuate dahil sa bahang naranasan dahil sa Bagyong Amang.

Bitbit na nila ang ilang kilong bigas at mga de latang mula naman sa City Social Welfare and Development Office.

Ang mga personahe ng CSWDO sa pangunguna ng kanilang head na si Annabelle Vargas ang nagkumpirma nito.

Sila na mismo ang direkang nagbigay ng mga ayudang para matiyak na makakarating sa mga apektadong pamilya.

Sa panayam kay Vargas ng Brigada News FM Naga, nabanggit nito na may 251 pamilya silang naitala na may katumbas na 871 na individual.

Ang bilang na ito ayon kay Vargas ay nadagdagan pa bago tuluyang nag decamp sa mga evacuation centers.

Kahapon nasilayan na ang sikat ng araw at kagabi wala na ring nangyaring pag-uulan sa lungsod.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *