Local News

Mga fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Bicol, nasa 16% pa lang

BICOL—Umaabot pa lamang sa 16% ng target population ang fully vaccinated sa Bicol region base sa pinakahuling Vaccine Statistics na inilabas ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon.

185% na ang fully vaccinated sa A1 o mga health workers, 47% sa A2 o mga senior citizens, 57% sa A3 o individuals with comorbidity, 6% sa A4 o mga uniformed personnel at 0.63% sa Other priorities.

Kung ibabase sa bilang, umaabot na sa 703,373 ang mga completely vaccinated sa rehiyon kung saan 220,416 nito ay sa A2 priority group; 209,073 sa A3; 157,844 sa A1; 106,390 sa A4 at 9,650 sa A5.

Kabilang sa mga ito ang mga nabakunahan na sa second dose na nasa 466,177 at ang mga nabakunahan ng one shot Janssen vaccine na nasa 237,196.

Kung pagbabasehan naman ang vaccination coverage kabilang na ang mga naturukan ng first dose, mayroon nang 23% coverage ang rehiyon kung saan nasa 100% na ang sa A1, 50% sa A2, 72% sa A3, 13% sa A4 at 3.79% sa A5.

Sa kabuuan, mayroon nang 2,124,620 doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Bicol region at nasa 68% o 1,446,743 doses na nito ang naibakuna.### || slm

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago