Mga geographically isolated areas, prayoridad sa Free Wi-Fi program ng DICT 12

KORONADAL CITY- NAGPAPATULOY ang pagpapatupad ng Free Wi-Fi for All Program ng Department of Information and Communications Technology o DICT.

Tinututukan sa naturang programa ang mga geographically isolated and disadvantaged areas o GIDA sa Soccsksargen.

Inihayag ni DICT 12 regional director Alimbzar Asum na sa buong rehiyon 12 at Mainland BARMM, nakapaglagay na ang mga ito ng 162 na mga Free Wi-Fi site kabilang na sa 38 mga COVID 19 facilities, 13 mga disaster risk reduction and management offices sa mga probinsya, bayan at syudad, at 2 VSat sa mga lugar sa Maguindanao na sinalanta ng bagyo.

Nagpapatupad din ang DICT ng GovNet program upang matulungan ang gobyerno na magkaroon ng interconnected network sa pagpapabilis ng komunikasyon, koordinasyon at maccess sa mga online services at mga proseso sa gobyerno.

Ayon kay Alimbzar na sa 198 na mga target agencies, 188 na na mga ahensya ng gobyerno sa Cotabato at Marawi City ang GovNet connected.

Ito ay kinabibilangan ng mga LGU, NGAs, SUCs, hospitals at vaccination sites, GOCC, airports at mga libraries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *