Lumagda sa isang kasunduan ang Office of the Executive Secretary’s Strategic Action and Response Office at ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nag-uutos sa mga ahensya ng pamahalaan na tugunan ang mga reklamo sa loob ng 72 hours o tatlong araw bilang parte ng pagpapabuti ng kanilang serbisyo sa publiko.
Sa ilalim ng naturang agreement, gagawing accountable ang mga public officials na bigong matugunan ang mga gawaing iniatas sa kanila.

Ayon kay Strategic Action and Response Office Undersecretary Rogelio Peig II, layunin ng kasunduan na maging conscious ang mga opisyal sa kanilang responsibilidad.
Paliwanag naman ni ARTA director general Secretary Ernesto Perez, kung walang tugon mula sa government agency, agad na mag-iimbestiga ang Anti-Red Tape Authority, at maghahain ng kaso sa Office of the Ombudsman o sa Civil Service Commission, kung kinakailangan at matapos ang due process.
Ang 888 hotline o 8888 Citizen Action Center (CAC) ay isang 24-hour platform kung saan maaaring mag-report ang publiko ng graft and corruption, at mabagal na processing ng mga government functions.