Mga Government agencies naman na magtitipid ng tubig – makatatanggap ng incentives

Iminungkahi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Water Resources Management Office (WRMO) na bigyan ng incentives ang mga government agencies na magtitipid ng tubig.

Ayon kay DENR Usec. Carlos Primo David, isa ito sa mga istratehiyang ikinokonsidera ng ahensya para mahimok ang ang mga ahensya ng pamahalaan na makiisa sa masinop na pagkonsumo ng tubig.

Ito ay matapos maitala ng ahensya na umaabot sa halos ₱15-17 million ang singil sa water bill kada buwan ng nasa 20 hanggang 30 government offices na posibleng dahil sa tagas sa kanilang mga tubo.

Ani David, nagtutulungan na ang DENR, Civil Service Commission (CSC), at Department of Budget and Management (DBM) para isulong ang isang water conservation campaign.

Ipinaliwanag niya na maaaring gamitin ng mga ahensya ng pamahalaan ang matatanggap na insentibo bilang savings na magagamit bilang karagdagang pondo.

Kaugnay nito, hinikayat na rin ng gobyerno ang mga pribadong kumpanya na maging masinop pagdating sa pagkonsumo ng tubig.

Target din ng DENR ang pagpapalawak o paghahanap ng ibang mapagkukuhanan ng tubig upang magkaroon ng sapat na suplay para sa publiko.

Ayon sa DENR, isa sa kanilang istraheya ang pag-diversify sa water resources na hindi lang dapat aasa sa Angat Dam ang pinagkukunan ng tubig.

Kabilang naman sa opsyon ang pagkuha ng suplay sa Laguna de Bay at paglilinis sa wastewater.

Nakikipagpulong na ang DENR sa water concessionaries ng Manila Water at Maynilad upang magkaroon ito ng kaasyusan sa pagpaplano.

Nabanggit rin ang Kaliwa Dam na bahagi ito ng ‘medium-term’ goals ng ahensya na kung saan inaasahang magsisimula sa taong 2027.//YMB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *