Mga guest relations officer na nagtatrabaho sa mga restobar sa Naga City, required na kumuha ng Pink Card

NAGA CITY – Nagsagawa ang Social Hygiene Clinic at Sanitary Division ng Naga City Health Office ng inspeksyon sa mga restobar partikular sa Diversion Road ng lungsod kung saan walang nakitang lumabag at lahat naman ay complaint sa requirement.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Dr. Jess Albeus, Chairman ng Committee on Consumer Protection, ito ay parte ng paghahanda sa paparating na Peñafrancia Fiesta sa lungsod.

Maging ang mga guest relations officer na nagtatrabaho sa mga restobar na nag-e-entertain ng mga bisita ay isa din sa minomonitor ng City Health Office na required na muli silang kumuha ng pink card at magpa-physical examination o check-up bawat sa loob ng isang Linggo ito ay para sa proteksyon na rin nila at ng mga bisita lalo na iba-ibang tao ang nakakasalamuha o pumapasok sa mga restobar.

Dagdag pa ng Konsehal, natigil lamang umano kasi ang pag-rerequired sa kanila ng pink card o patunay na sila ay isang guest relation officer dahil sa pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *