Mga guro at empleyado ng DepEd, tatanggap ng P15K one-time Service Recognition Incentive

Makakatanggap ng ₱15,000 one-time Service Recognition Incentive ang mga kuwalipikadong empleyado ng Department of Education.

Sa DepEd memorandum na may petsang December 19, ang insentibo ay ipapamahagi hanggang January 6 sa susunod na taon at direktang ibibigay sa mga empleyado.

Sa isang pahayag, sinabi ni Teachers’ Dignity Coalition National Chairperson Benjo Basas , maaaring magkaroon ng problema ang pagre-release ng cash dahil posible umanong mahirapan ang mga staff ng division offices ng DepEd na magawa ito nang mabilis.

Kaya nananagawan sila na kung maaari ay ipadaan ang SRI sa ATM.

Sa Administrative Order No. 1 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Disyembre 16 a, pinahihintulutan ang pagbibigay ng SRI sa mga empleyado sa executive department sa pare-parehong halaga na hindi hihigit sa ₱20,000. Hindi naman malinaw kung bakit ₱15,000 lang ang binibigay sa mga empleyado ng DepEd.

Bagama’t mas mababa ang incentive sa maximum amount na pinapayagan, nagpapasalamat pa rin si Basas na mas mataas ito sa ₱10,000 na ibinigay noong mga nakaraang taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *