Mga guro, makakatanggap ng 3 buwang internet load

Inanunsyo ng Department of Health na magbibigay ito ng tatlong buwang halaga ng internet load sa mga public school teachers para sa nagpapatuloy na distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Education Undersecretary Alkain Pascua na plano ng departamento na mag-procure ng load na kayang bigyan ang mga guro ng 30 hanggang 35 gigabytes na halaga ng data kada buwan sa mga public school teachers.

Ayon sa opisyal, sisimulan nila ang distribusyon ng internet load sa june.

Hiniling naman ng DepEd sa mga gusro na magrehistro sa DepEd Commons upang mabigyan sila ng load.

Ipinunto naman ni Pascua na kung sakaling may hindi nagamit na data allocation ang mga guro ay pwede ito ma-rollover sa mga susunod na buwan hanggang sa isang taon o hanggang sa maubos nila ang 100 GB.

Inihayag naman ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na maglalaan ang departamento ng P1.2-billion para sa naturang programa na pumalit sa kanilang orihinal na plano nila na bigyan ng P450 load allowance ang mga guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *