CAMARINES NORTE – Isinailalim sa training ng Commission on Elections ang mga gurong magsisilbi bilang Electoral Board sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ginawa ito nitong weekend sa iba’t- ibang Comelec Offices sa lalawigan.
Una nang sinabi ng Comelec na kinuha talaga nila ang mga weekend ng Setyembre para magsagawa ng briefing at training sa mga electoral board.
Sa bayan ng Basud, ang mga guro mula sa river block ang isinailalim sa training noong Sabado habang ang mga galing naman sa highway block nitong Linggo.
Tinalakay ni Election Officer III Annelyn Abanes ang mga panuntunan patungkol sa pagsasagawa halalan.
Kabilang dito ay ang Governing Principles sa ballot appreciation kung saan kaniyang binigyang diin na ang kalooban ng botante ang pinakamahalaga sa lahat.
Maliban sa training ng mga gurong magsisilbi bilang electoral Board ay inihahanda na rin ang mga ballot boxes na gagamitin sa eleksyon.
Sa datos ng Comelec Provincial Office sa 282 Barangays mayroon itong 2, 432 na established precincts, 1, 163 clustered precincts at 254 voting centers.
