Mga gusali at mga tulay sa lungsod sa Naga, walang pinsala matapos ang dalawang halos magkasunod na lindol

NAGA CITY –Hindi nakitaan ng anumang pinsala ang mga gusali at tulay sa Naga matapos ang dalawang magkasunod na lindol sa Camarines Provinces.

Ito ang agarang inilabas na impormasyon ng City Engineering Office sa pamamagitan ni Engr. Alexander Caning ang head ng opisina matapos ng ginawa nilang inspection sa mga gusali, pribado man o pang publiko at maging sa mga ilang tulay.

Sinabi niya sa BNFM Naga na walang reported na anumang damaged sa kanilang opisina ang nangyaring paglindol, partikular na sa Naga City Peoples Mall at bahagi ng City Hall.

Sa kabila nito inoobliga nila ang mga building owners lalo na iyong mga nasa pribado na magkaroong ng sariling yearly assessment structures.

Inabisuhan din nila ang mga ito na agad makipag-ugnayan sa kanilang opisina sakaling may mapansing epekto sa gusali nila ang lindol.

Kaugnay nito, tiniyak na Caning na ang naitayong mga school building ay “ earthquake resistant structures”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *