Ipinaliwanag ang National Telecommunications Commission (NTC) Bicol ang karagdagan pang mga detalye hinggil sa Sim Card Registration Act lalung-lalo na ang mga hakbang upang maiwasan ang mga scams o maling mga impormasyon.
Ayon kay Atty. Judy Bilangel ng nasabing tanggapan, ang mga service providers umano ang magbibigay ng link upang makapagregister ang mga subscribers.
Huwag basta-basta umanong magki-click ng mga link nang hindi sigurado o hindi naman beripikadong mula sa lehitimong service providers.
Kinakailangan umanong i-check ito sa lehitimong page, website o platform ng telco company kung saan naka-subscribe.
Magsisimula ang pagrerehistro ng mga sim cards bukas, Disyembre 27, at ayon sa tanggapan, magde-deactivate ang mga ginagamit na sim cards sakaling hindi makapagrehistro hanggang sa deadline.
Samantala, siniguro rin nitong magiging ligtas ang mga personal na impormasyon ng mga magrerehistro.