Mga health workers na unang nakatanggap ng first dose ng AstraZeneca vaccine maaari nang mabakunahan ng second dose simula Hunyo

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) na maaari nang makatanggap ng second dose ng AstraZeneca vaccine ang mga health workers sa lalawigan ng Camarines Norte na unang naturukan ng naturang brand ng bakuna sa Hunyo.

Batay sa abiso ng PHO sa pamamagitan ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco nitong Lunes, dahil sa resumption ng AstraZeneca vaccination ay pinapayuhan ang mga nakatanggap ng unang dose na magtungo  sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) simula sa June 7 hanggang June 11 para sa ikalawang dose nito.

Inaabisuhan ang mga heath workers kabilang na ang mga nasa pribadong clinic na makipag ugnayan kay Ms. Gina Calivara, Nurse II sa Outpatient Department ng CNPH para sa schedule.

Kung maalala, AstraZeneca ang pinakaunang batch ng bakuna na dumating sa lalawigan noong Marso at una itong itinurok sa mga health workers alinsunod sa prioritization.

Ang mga sumunod na dumating ay Sinovac vaccine na siyang itinurok sa mga frontline workers at iba pang kasama sa prioridad.

Batay sa vaccine statistics ng Department of Health nasa 82 % na ang nakatanggap ng first dose at 7 % pa lamang ang nakakatanggap ng 2nd dose ng bakuna ang mga frontline workers sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *