Mga hindi bakunado sa Ligao City, hindi makakalabas ng kanilang tahanan maliban kung ito essential

LEGAZPI CITY – Nagpatupad na rin ang City Government ng Ligao ng kanilang bagong Guidelines na naayon sa inilabas na executive order ng Albay at IATF.

Ayon kay Mayor Patricia Alsua Gonzalez ng Ligao City, magiging mahigpit ang Local na pamahalaan sa mga hindi pa nababakunahan sa lungsod ay hindi makakalabas ng kanilang tahanan, maliban na lamang kung ito ay essential services.

Aniya, sakali man na magtungo sa mga establishment ay kinakailangan hanapan ng vaccination card kung ito ay fully vaccinated na.

Maging ang nasa edad na 12 anyos na pababa ay mananatili lamang ito sa kanilang bahay.

Aabot na sa mahigit sa 27 ang nagpositibo na sa coronavirus disease (COVID) sa lungsod.

Nananawagan ngayon ang Alkalde sa mga residente na magpabkuna upang mabigyan ng proteksyon laban sa covid 19 at omicron variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *