Mga hindi lisensyadong baril at bala, nakumpiska sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Nasamsam ng mga Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Albay PFU ang mga bala at hindi lisensyadong baril sa isang bahay sa P-6,Brgy. Magurang, Polangui, Albay.

Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Nieves Gregorio.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng search warrant ang mga otoridad na may kinalaman sa paglabag sa RA 10591 o ang Illegal Possession of Firearms.

Wala ang suspek sa nasabing bahay nang marating ito ng mga otoridad, subalit tinuloy pa rin ng mga ito ang paghalughog ng mga kagamitan, kasama ang mga barangay officials upang magsilbing witness.

Sa paghahalughog ng mga ito, nakuha ang isang unit ng Cal .45 pistol na may trademark na TAURUS at may serial number na 119384; isang piraso ng steel magazine, 3 RDS ng live ammunition para sa nabanggit na baril.

Ang mga narekober na kagamitan ay dadalhin muna sa CIDG para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, nagsasagawa na rin ng hot pursuit operations ang Polangui MPS para sa posibleng pagkakaaresto sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *