Mga hindi nakapag-renew ng LTOFP, hinihikayat na ideposito ang kanilang mga armas sa police station

KORONADAL CITY- NANANAWAGAN si Board Member Noel Escobillo, chairman ng committee on public order and safety ng Sangguniang Panlalawigan sa lahat ng mga gun owners na hindi pa nakapag-renew ng kanilang License to Own and Possess Firearms o LTOFP na ideposito sa pinakamalapit na police station ang kanilang armas.

Ayon kay Escobillo na ito ay dahil sa isinasagawang Oplan Katok ng Philippine National Police o PNP sa mga gun owners na expired na ang lisensya.

Oras na maisailalim sa Oplan Katok sa loob na ng tatlong beses, maaari nang mag-isyu ng search warrant ang PNP laban sa gun owner.

Kamakailan lamang, nagsagawa ang PNP ng LTOFP caravan sa provincial capitol ng South Cotabato at muli itong magsasagawa ng katulad na aktibidad sa bayan ng Polomolok sa November 3 at November 4.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Escobillo ang mga hindi nakapag-renew ng LTOFP na samantalahin ang nasabing caravan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *