Mga hindi pa nababakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte nasa 164, 903 pa

CAMARINES NORTE- Umaabot pa sa 164, 903 o 32. 15 percent ng target population ang hindi pa nababakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang alas 8 ng umaga noong June 23, may pinakamalaking porsiento pa rin ng hindi nababakunahan sa bayan ng Paracale na nasa 23, 307 o 44 . 81 percent.

Sa bayan naman ng Sta Elena ay nasa 15. 389 pa ang walang bakuna o 42. 90 percent.

Ang nabanggit na mga bayan ang may pinakamababang porsiento ng vaccination coverage sa lalawigan.

Mababa pa rin ang booster vaccinated sa buong probinsiya na nasa 33, 930 0 6. 61 %.

Kaugnay nito ay patuloy na hinihimok ng Department of Health at Provincial Health Office ang publiko na magpabakuna upang maging protektado lalo na ngayong mayroong banta ng iba’t- ibang variant ng naturang sakit.

At matapos ang dalawanng buwan ay muling nakapagtala ang lalawigan ng dalawang kumpirmadong kaso ng sakit at inaasahang madadagdagan pa ito sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *