Mga Hindu Brides sa India , imbes sa kamay, sa daliri sa paa isinusuot ang  wedding ring

KAKAIBA  ang ritual na nakagawian ng mga Hindu Brides sa India, dahil ang ilan sa mga tradisyunal na kasalan doon, imbes sa daliri sa kamay ng mga brides isinusuot ang wedding ring , inilalagay  nila ito  sa daliri ng kanilang mga paa.

Ayon sa isang pahayag, ginaganap ang gantong klaseng seremonya kung saan ang pagsunod nila sa bichiya na karaniwang singsing na silver, ang isinusuot ng groom sa great toe ng kanyang bride o katabing hinlalaking daliri sa  kaliwang paa nito, sa halip na sa kaliwang palasing-singsingan.

Ayon  pa sakanilang kultura, ang bichiya ay  isinusuot lamang ng mga babaeng may asawa sa kanilang bansa, kung saan  tanda umano ito bilang pagsalubong ng isang bagong  kasal na babae sa bagong yugto ng buhay niya bilang may bahay. ###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *