CAMARINES NORTE – Narekober ng Bantay Dagat ang mga inabandonang fishing paraphernalia sa karagatang sakop ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa.
Ayon sa report ng Municipal Information Office hindi na inabutan ng mga awtoridad ang mga nasa likod ng iligal na pamalakaya dahil tumalilis na mga ito matapos na matunugan ang pag dating ng task force.
Kabilang sa mga narekober ang dalawang set o apat na piraso ng wooden board, trawl net at mga lubid dalawang kilometro ang layo sa loob ng territorial water sakop ng Brgy. Colasi.
Ayon sa LGU halos isang buwan lang ang pinalipas at umarangkada na naman ang mga ilegal na mangingisda sa lugar na kung saan ipinagbabawal.
Sa ilalim ng Municipal Ordinance No 65- 1995, ipinagbabawal ang pamalakayang trawl sa loob ng 15km territorial water ng munisipyo.
