Mga Indians nagalit matapos itanggi ng Health Minister na may COVID-19 deaths dahil sa oxygen shortages

Sumiklab ang galit ng ilang Indians matapos ihayag sa parliament ng isang junior Health Minister na walang COVID-19 death ang naitala sa kanilang bansa dahil sa oxygen shortages.

Ayon sa report, nagkaubusan ng oxygen supply sa mga ospital sa iba’t ibang panig ng India noong Abril at Mayo sa kasagsagan ng second wave ng pandemic.

Nagresulta din sa 418,000 na bilang ng mga nasawi ang COVID-19 sa India.

Sa kabila nito, nanindigan ang Indian government na walang nai-report ang mga states na kaso ng mga nasawi dahil sa kakulangan ng oxygen.

Isa sa mga nagpatotoo ng kakulangan ng oxygen si Dr. Gautam Singh na nagpapatakbo ng isang 50-bed hospital sa Delhi na halos nagmakaawa sila sa oxygen supply para lamang maisalba ang mga kritikal na pasyente.

Marami ding ospital ang nagpahayag ng shortage ng oxygen supply na dahilan ng pagsiklab ng galit ng mga mamamayan nang ihayag ng kanilang gobyerno na walang patunay ng oxygen-shortage death ang naitala

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *