Uncategorized

Mga inilibing na COVID positive at suspect sa Camarines Norte umabot na sa mahigit 50

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa limamput apat na pinagsamang suspect at positive sa COVID- 19 ang inilibing sa lalawigan ng Camarines Norte hanggang nitong June 14, 2021.

Ito ang impormasyong ibinahagi ni Benjamin Palma, Supervising Sanitary Inspector mula sa Provincial Health Office sa isinagawang operational period briefing nitong Lunes.

Ayon kay Palma ang mga suspect at positive sa COVID- 19 ay inililibing sa loob ng labingdalawang oras matapos bawian ng buhay alinsunod sa health protocols.

Susog ito sa guidelines ng Department of Health (DOH), at hangga’t maaari rin, ang paglibing ay gawing naaayon sa relihiyon o kaugalian ng namatayan.

Nakapaloob sa guidelines sa paglilibing na ang lahat ng mga tauhan na humahawak ng labi ay dapat magsuot ng Personal Protective Equipment (PPE) habang isinasagawa at dapat itapon pagkatapos gamitin.

Kung ang tao ay namatay sa labas ng isang health facility, ang universal precautionary measures ang dapat sundin ng mortuary o punerarya.

Kung ito naman ay namatay sa loob ng isang health facility, ang paglilista sa namatay ay dapat gawin ng local health official, at ang mga universal precautionary measures ay dapat sundin.

Ipinagbabawal ang paglilinis ng mga labi, gaya ng pag-aayos ng buhok at kuko, pag-ahit, at pag-embalsamo.

Ang mga labi ay dapat ilagay sa isang matibay, hindi natatagusan at selyadong metal na kabaong.

Kung sumailalim sa cremation, ang cremains o abo ay dapat pino at nakasiksik sa tamang lalagyan ng cremain bago ibigay sa mga kamag-anak ng namatay.

(photo courtesy: PDRRMO)

BNFM Daet

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

14 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

14 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

14 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

14 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

14 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

15 hours ago