Mga insidente ng patayan sa Pilipinas sampal daw para sa mga kapulisan

Ang walang habas na pamamaril at lantarang pagpatay ay isang malaking sampal daw sa mga kapulisan.

Ayon kay senador Koko Pimentel nakakabahala na ang mga tumataas na insidente ng pamamaril sa Pilipinas lalo na’t nasa ilalim pa ng gun ban ang bansa.

Aminado naman ang Philippine National Police na tumaas ang patayan sa bansa mula Enero 2023 hanggang Oktubre 2023.

Mula sa 851 noong 2022 nakapagtala na ng 907 na kasong homicide sa Pilipinas ngayong taon.

Kaya inatasan na ng mga senador ang PNP na paigtingin ang pananatili ng Peace in Order sa bansa.

Isinusulong din ng ilang senador ang pagkakaroon ng body cam. sa mga pulis para may matibay na ebidensya sa tuwing sila ay rumeresponde.

Nagdagdag ang senado ng P800 milyon para sa 2024 budget upang makabili sila ng additional 24,000 body cameras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *