LEGAZPI CITY – Ipinagpapatuloy ng Albay Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang mga interbensyon sa nutrisyon para sa mga inilikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay PSWDO head Maria Vivien Cea, namamahagi sila ng mga gulay, prutas, root crops, itlog at iba pa.
Ibinibigay nila ito sa bawat lokal na pamahalaan dalawang beses sa isang linggo.
Layunin nitong masiguro na mabigyan ng sapat na pagkain at mabigyan ng tamang nutrisyon ang mga inilikas lalo na ang mga kabataan.
Sa ngayon, ito ay ang kanilang programa bilang opisinang itinalaga Nutrition cluster sa Mayon Response.