KORONADAL CITY- MAKIKINABANG sa itatayong potable water system project ng Department of Science and Technology o DOST Region 12 ang 150 na mga indigenous people o IP families sa bayan ng Lake Sebu at T’Boli.
Ayon kay DOST 12 regional director Sammy Malawan na maglalagay sila ng hydraulic ram pumps o hydrams sa tatlong mga upland communities upang maresolba ang problema sa limitadong supply ng potable water.
Ang naturang proyekto ay planong itayo sa Barangay Laconon sa Tboli at sa Sitio Lamdel at Fidaw sa Barangay Ned, Lake Sebu.
Kamakailan lamang, ipinresenta ng DOST 12 ang Science Technology Aqua Ram Pump (STARP) kay South Cotabato Second District Representative Ferdinand Hernandez upang mapondohan.
Ang hydrams ang gumagamit ng enerhiya mula sa flowing water tulad ng spring at sapa sa pag pump ng tubig.