Mga ipinagbabawal sa loob ng Daraga Catholic Cemetery, nakumpiska ng PNP Daraga

LEGAZPI CITY – Dinagsa ng mga tao ang Daraga Catholic Cemetery sa Brgy. Binitayan, bayan ng Daraga, Albay upang bisitahin ang puntod ng yumao nilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Police Staff Master Sergeant Mariane Jess Rico, Spokesperson ng Daraga MPS, may iilan pa ring mga taong nahulihan ng mga kagamitang ipinagbabawal sa loob ng sementeryo.

Aniya, ilan sa mga kagamitang ipinagbabawal na kanilang nakumpiska ay tulad ng itak at alak.

Alam na rin ng mga tao ang mga bawal sa sementeryo dahil sa naging epektibo ng ginagawang kampanya sa bayan. Sa kabila nito’y naging mapayapa ang nangyaring undas dahil na rin sa asistensya ng kapulisan at ng iba pang mga yunit, at marami ring mga tao ang bumisita sa mga puntod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *