Mga IPs sa Sorsogon, may dalawang uri – NCIP

Kinilala ng National Commission for Indigenous People (NCIP) Sorsogon ang mga Agta na nasa dalawang uri.

Ayon kay NCIP Sorsogon Community Development Officer III, Engr. Rosyl Tabla, ang mga ito ay ang Agta Tabangnon at Agta Simaron.

Ang Agta Tabangnon, ayon kay Tabla, ay ang mga ipinanganak ng mga magulang na Agta habang ang Agta Simaron ay produkto ng pagsasama ng isang Agta at mga dayuhang magulang.

Sinabi pa ni Tabla na apat lamang ang natukoy at kinikilalang ancestral domain na matatagpuan sa bayan ng Pilar, Matnog, Bulusan at Donsol.

Bagama’t walang ancestral domain sa mga bayan ng Irosin at Pto Diaz, ang mga Indigenous Peoples (IPs) na naninirahan dito ay kinikilala pa rin bilang mga cultural communities.

Sinabi pa ni Tabla na may kabuuang 30K ang populasyon ng IPs sa lalawigan na nakakalat sa 48 iba’t-ibang barangay mula sa 6 na munisipalidad na kinabibilangan ng Pilar, Donsol, Irosin, Bulusan, Prieto Diaz, at Matnog.

Ang Munisipalidad ng Donsol ang may pinakamaraming bilang ng mga IP, na sinundan ng LGU Prieto Diaz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *