Mga IPs sa Tampakan nagpasalamat sa Sangguniang Panlalawigan sa pagtanggal sa open pit mining ban

KORONADAL CITY- LABIS ang pasasalamat ng mga Indigenous People (IP’s) sa bayan ng Tampakan sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato sa pag-apruba ng mga ito sa amendment sa Environment Code partikular na ang pagtanggal sa ban sa open pit mining.

Inihayag ni Tampakan Municipal Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR Amay Collado na ang desisyon ng SP ang sagot sa isang dekada na nilang hiling at panawagan sa sanggunian.

Ang mga IPs sa Tampakan sa pamumuno ni Collado ang isa sa mga naghain ng resolution sa SP para sa pag-revisit at pag-amend sa Envi Code.

Naniniwala ang mga ito na malaki ang maitutulong ng operasyon ng Tampakan Copper-Gold project ng Sagittarius Mines Incorporated o SMI upang maibsan ang epekto ng COVID 19 pandemic at mapaunlad ang ekonomiya at estado ng Blaan Community at mga IPs sa probinsya ng South Cotabato.

Ang SMI ay gagamit ng open pit mining method sa pagmina sa bulubunduking bahagi ng Tampakan.
Noong Lunes, unanimous ang desisyon nina Board Members Hilario De Pedro VI, Edgar Sambog, Antonio Fungan, Dardanilo Dar, Rolando Malabuyoc, Henry Ladot, Alyssa Marie Fale, Rose Grace Achurra, Noel Escobillo, Eamon Matti at presiding officer Glezel Mariano Trabado sa pag-amend sa Envi Code.

Sa naturang mga board members na present sa regular session, walang ni isa ang nag-object o tumutol rason kung bakit naipasa sa final reading ang lifting ng open pit mining ban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *