Mga isla at malalayong Barangay sa Mercedes tutunguhin ng MHO team ngayong linggo para sa COVID- 19 vaccination at Oplan TSeKaP

CAMARINES NORTE- Nakatakdang tunguhin muli ng team mula sa Municipal Health Office ang mga isla at malalayong Barangay ng Mercedes para sa Oplan TseKap at COVID- 19 vaccination.

Batay sa schedule na inilabas ng MHO sa pamamagitan ng kanilang official facebook page magkakaroon ng Pinaslakas COVID- 19 vaccination sa Matoogtoog at Hinipaan bukas, araw ng Martes , November 8.

Sa Miyerkules, November 9 ay naka- schedule naman ang Oplan TSekaP sa RHU at Pinaslakas COVID- 19 vaccination sa mga Poblacion Barangay tulad ng Barangay 1 at 2.

Habang sa Huwebes, November 10 ay magtutungo ang team mula sa MHO sa tatlong isla ng Caringo, Apuao at Quinapagian para sap Pinaslakas  COVID- 19 vaccination.

Sa Biyernes naman ay gagawin ang oplan TSekaP sa RHU at Pinaslakas COVID- 19 vaccaination sa RHU, Barangay 7 at San Roque.

Ngayong Lunes ay tuloy- tuloy pa rin ang Oplan TSekaP at covid- 19 VACCINATION na ginagawa naman sa RHU.

Ang nabanggit na mga schedule ay maaraing magbago dahil sa mga emergency meetings, conferences, urgent concerns at iba pang mga hindi inaasahang pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *