Mga IT-BPO companies magbabalik-opisina na simula April 1 ayon sa PEZA

Magbabalik-opisina na ang mga kumpanya ng Information Technology-Business Process Outsourcing (IT-BPO) na kabilang sa special economic zones simula ngayong Biyernes, ika-1 ng Abril.

Ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Charito Plaza, dapat sundin ang direktibang inilabas ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB)  upang hindi patawan ng multa ang mga kumpanyang lalabag sa naturang regulasyon.

Inapela ng PEZA sa FIRB na palawigin ang work from home set-up ngunit hindi ito napahintulutan dahil hindi umano ito nasa batas.

Sinabi naman ng Department of Finance (DOF) na maaaring ipagtuloy ng mga IT-BPO companies ang remote work arrangements pero mawawala sa kanila ang tax incentive katulad ng income tax holidays at ng 5% tax on gross income earned.  

Samantala, panawagan ng PEZA na matugunan ang panukalang hybrid work scheme ng susunod na administrasyon. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *