Mga kababaihan, sinanay sa meat processing ng DA-ATI 4A

Sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang ilang mga kababaihan mula sa CALABARZON sa pangunguna ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) 4-A.

Ang training na pinamagatang “Training on Meat Processing with Good Manufacturing Practices” ay isinagawa sa DA-ATI CALARZON Meat Processing Hub, Trece Martires City, Cavite.

Dumalo sa training ang 10 teknikong pang-agrikultura at 11 Rural Improvement Club (RIC) at mga magsasaka mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Sumailalim ang mga ito sa pagsasanay sa Meat Processing, Food Safety, Hygiene and Sanitation at Packaging and Labeling.

Nag-proseso rin ang mga kalahok ng karne ng baboy at manok upang gawin itong tocino, tapa, ham, siomai, embutido at burger patties.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *