Mga kabataan hinimok na suportahan pa rin ang mga programang pang agrikultura sa ginawang KADIWA- NIA program sa Naga City

NAGA CITY –Iba’t-ibang uri ng mga produktong pang agrikultura ang itinampok sa ginawang KADIWA Program sa Regional Office ng National Irrigation Administration, kahapon.

Sa programa itinanghal ang mga gulay, prutas, bigas at iba pang mga produktong pinag-aagawang bilhin ng mga empleyado ng NIA, pati mga taga media ay bumili din sa mas mababang presyo.

Si Alejandro Mora, ang head at presidente ng Pecuaria Development Cooperative ang siyang nanguna sa mga pag display ng mga produkto, pagtinda nito kasama ang kanyang mga miyembro.

Ang mga paninda nilang dala ay mga talong, kalabasa, may bigas, mga prutas din at iba pang mga sariling tanim nila sa kooperatiba.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang lahat na tanim nila ay bunga ng organic farming.

Hangad niya na sana ay patuloy na suportahan ng gobyerno ang kanilang mga programa, pati na rin ang mga kabataan ay hinimok niyang ibalik ang loob sa agrikultura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *