Mga kaganapan sa India, nakakaapekto sa vaccine orders ng Pilipinas

Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na apektado ngayon ang vaccine orders ng maraming bansa dahil sa mga kaganapan sa India kung saan ay patuloy itong gumagawa ng world record sa bilang ng mga naitatalang bagong COVID-19 cases.

Sinabi ni Vergeire na kasama na ang vaccine orders ng Pilipinas sa mga apektado ngayon ng outbreak sa India.

Sa huling tala ng India ay muli itong nakapag-ulat ng record high na 379,257 na bagong kaso ng COVID-19.

Kasama na sa nasabing bilang ang pinakamaraming nasawi na naitala nito sa loob ng isang araw na umabot sa 3,645.

Halos magdamagan na rin ang paghuhukay ng mga supulturero sa Mumbai para sa libingan ng mga pumanaw sa COVID-19.

Patuloy naman ang ginagawang pagsunog sa mga bangkay sa mga lote at parking lots doon dahil hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin ang mga crematorium sa naturang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *