Mga kahoy na Ipil, nasabat sa bayan ng Roxas, 1 arestado

Arestado ng pulisya ang isang Micheal C. Napeñas, 29 anyos sa Bgy.New Barbacan, Roxas Palawan kagabi, January 18, 2022.

Ang suspek ang drayber ng topdown na kinargahan umano ng kahoy na ipil na tumambad sa mga tauhan ng Roxas PNP.

Bago ang pagkakadiskubre sa mga Ipil ay naiulat na naaksidente ang suspek at sumadaad ito sa gilid ng kalsada na muntik pa umanong makabangga ng senior citizen.

Agad na dinala sa tanggapan ng Roxas PNP ang suspek na ngayon ay nahaharap sa paglabag sa  Section 77 ng PD 705 (Revised Forestry Code of the Philippines: Cutting, gathering and/or collecting timber or other products without license).

Nasa kustodiya ngayon ng Roxas PNP ang suspek at ang mga ebidensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.