Mga kalsadang binubungkal kahit ‘di naman sira, binusisi sa Senado

Kinuwestyon sa Senado ang mga nakakabahalang pagsasaayos ng mga hindi naman sirang kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa deliberasyon ng Senate Finance Committee sa panukalang P822.2 bilyong budget ng DPWH, sinabi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kailangang ayusin ang mga kalsadang sirang-sira, sa halip na sa mga maayos pang daan.

Ipinunto ni Public Works Secretary Manuel Bonoan na hindi lahat ng kalsadang mukhang maganda ay may magandang kalidad sa ilalim ng lupa.

Aniya, kailangan ang preventive maintenance ng mga kalsada para pahabain ang buhay nito at maiwasan ang mas malaking pangangailangan ng pondo sakaling magkaroon ito ng pinsala.

Gayunpaman, hindi nakumbinsi si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa paliwanag ng kalihim at kinakailangan ng scientific basis sa pag-ayos ng mga kalsada bago sirain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *