Mga kandidatong mangangampanya para sa paparating na eleksyon, dapat mga fully vaccinated na ayon sa isang doktor sa Camarines Sur

Kahit hindi pa man nagsisimula ang campaign period para sa mga kandidato sa local positions, ay may mangilan-ngilan na ang nagpaparamdam sa mga Barangay sa Camarines Sur.

Kaugnay nito, hinikayat ni Dr. Rafael Salles, Municipal Health Officer sa bayan ng Pili, ang lahat ng kandidato hindi lang sa kanilang lugar maging sa buong lalawigan na magpabakuna muna bago simulan ang pangangampanya o panunuyo sa mga botante.

Hindi daw kasi ito tulad ng dati o nakaugalian ng mga kandidato na walang iniisip na hawaan ng sakit. Mas maigi parin aniya na fully vaccinated ang isang kandidato upang may proteksyon hindi lang sila kundi ang mga taong makakasalamuha laban sa banta ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *