NAGA CITY- Inabisuhan ng Ragay Municipal Agriculture Office ang mga counterpart sa mga karatig bayan at mga residente na paiigihin ang bio security ito ay matapos ang kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF).
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Agriculture Officer Benedict Almario, sinabi nitong nakausap niya na ang ibang mga MAO ito nga ay ukol sa insidente na kung hindi mapipigilan ay nakakaapekto rin sa mga alagang baboy sa mga karatig bayan.
Matapos ang pagpupulong nitong Hulyo 29, 15 na mga barangay ang konsideradong Hotspot; kinakailangang isailalim sa surveillance at kukunan ng blood samples ang mga baboy na siyang ipapasuri sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory. Una nang sample na nag positibo ang mula sa Barangay Baya.
Nagkaroon na rin ng pagpupulong ang ASF Incident Management Team ng lalawigan para sa kaukulang hakbang.
Dagdag pa ng MAO i-monitor lagi ang mga alaga kung may sintomas tulad ng lagnat, kawalan ng gana kumain, mapupulang taenga, tiyan at binti, pagsusuka at pagdudumi.