Mga kaso ng ‘long COVID-19’ dapat ding tutukan ng DOH

Pinatututukan ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor sa Department of Health (DOH) ang mga kaso sa bansa ng tinatawag na ‘long COVID-19’.

Ang ‘long covid-19’ ay ang mga indibidwal na tinamaan noon ng covid-19 at nakarekober na ngunit patuloy na nakararanas ng sintomas ng sakit.

Ayon sa mambabatas, mainam kung magkakaroon ang DOH ng online registration system kung saan maaaring magsign-up o magpatala ang mga nakakaranas ng ‘long covid-19’.

Batay sa World Health Organization (WHO), may mga dating covid-19 patients ang nakakaranas pa rin ng sintomas gaya ng fatigue at anxiety, hirap sa paghingam panananakit ng katawan at ulo, ubo at pananakit ng dibdib, pagkawala ng memorya, problema sa pagtulog at iba pa.

Sinabi rin ng kongresista na dapat mangalap ng dagdag na impormasyon ang DOH ukol sa mga kaso ng long covid-19 upang makapaglatag ng mga posibleng programa upang matulungan at maalagaan ang mga pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *