Haharangin at sisitahin pa rin umano ng mga katutubo ang mga truck ng Ipilan Nickel Corporation na dadaan sa hauling road o lalabas mula sa kanilang compound sa Barangay Maasin, Brookes Point.
Ito ay sa kabila ng inihaing Temporary restraining order (TRO) ng Sheriff ng Regional Trial Court 165 na nagpapatigil ng kanilang rally laban sa mining company simula kahapon.
Ayon sa isang magsasaka, hahanapan nila ng permit ang bawat truck na dadaan kung saan sila ngayong naka-pwesto at sakaling wala raw maipakita ay hindi ito padadaanin.
Kaugnay nito, hindi umano sila takot makasuhan sa pagbalewala sa TRO kahit una nang sinabi ng sheriff na may nakaambang parusa kung hindi nila ito kikilalanin.