Mga kawani ng LGU Capalonga hinimok ng Alkalde na maging responsable sa pagdalo sa flag raising ceremony

CAMARINES NORTE- Sinalubong ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Capalonga sa pamumuno ni Mayor Luz Ricasio ang buwan ng Agosto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tradisyunal na flag raising ceremony noong Lunes.

Dinaluhan ito ng mga halal na opisyal at mga kwani ng LGU, mga kapitan ng barangay gayundin ng PNP at BFP na nagpahayag ng pakikiisa sa taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika.

Dito ay hinikayat ng Alkalde ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na maging responsable sa pagdalo sa Flag Raising Ceremony tuwing lunes.

Sa gitna ito ng tila pagwawalang bahala ng ilang empleado sa pagdalo sa flag ceremony.

Ilang mahahalagang bagay rin ang inilahad ng opisyal at ipinaalam sa mga dumalo sa naturang aktibidad.

Sa usaping pangkalusugugan ay isinalaysay ni Municipal Health Officer Dr. Carolyn T. Madera ang tungkol sa sa Breastfeeding Month, Dengue, Rabies, Tuberculosis Month, maging ang tungkol sa family planning at tumataas na kaso ng “teenage pregnancy.

Pagdating naman sa mga pagawaing bayan ay iniulat ni Municipal Engineer – Engr. Wilfredo I. Caldit, Jr. ang tungkol sa Water System na patuloy pa rin ang pagsasagawa at hinihintay ang mga karagdagang materyales para maiugnay na sa mga bahay-bahay, Construction ng Municipal Building (Phase 5 & 6) at tungkol sa gagawing Legislative Building.

Paalala din ng Alkalde sa mga kapwa lingkod bayan na kailangang magbigay ng maayos at epektibong serbisyo na tutugon umano sa bawat pangangailangan ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *