Mga konsyumer ng Meralco, may aasahan na namang taas-singil sa January billing

Abiso sa mga konsyumer ng MERALCO dahil asahan na ang dagdag-singil sa inyong mga January billing.

Sa abiso, magtataas ng power rate ang MERALCO ng P0.6232/kWh.

Dahil dito, ang singil sa kuryente ay papalo na sa P10.90 per kWh mula sa P10.28/kWh noong nagdaang buwan.

Ibig-sabihin, kung ang isang tahanan ay kumokonsumo ng 200kWh – madaragdagan ang kanilang bill ng P125.

Bago ito, una nang sinabi ng power company na inaasahan na ang taas-singil ngayong Enero.

Kasunod pa rin ito ng TRO na ipinataw sa power deal sa pagitan ng MERALCO at San Miguel Corporation, at naubos na rin ang refund na ipinataw ng Energy Regulatory Commission (ERC).
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *