Mga konsyumer ng MERALCO, may aasahang taas-singil sa January billing

Posibleng magtaas ang singil sa kuryente ng mga konsyumer ng Manila Electric Company o MERALCO.

Ito ay gitna ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa ilang mga grids sa bansa.

Sa katunayan, ngayong araw, December 6, ay muling inihain sa yellow alert ang Luzon Grid.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, nasa yellow alert ang naturang grid ngayong ala-una ng hapon hanggang alas-kuwatro ng hapon; at alas-singko ng hapon, hanggang alas-sais ng gabi.

Sa isang panayam, sinabi ni MERALCO spokesperson Joe Zaldarriaga na ang serye ng mga yellow at red alert status ay madalas na nagre-resulta sa mas mataas na halaga ng kuryente.

Dahil dito, posible umanong maramdaman ang impact nito sa mga konsyumer.

Kaya naman sinabi ni Zaldarriaga na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na mag-reflect ang taas-singil sa kuryente sa January billing ng kanilang mga konsyumer.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *