Mga kumokonsumo ng smuggled na puting sibuyas, binalaan ng sa posibleng health risk

Binalaan ng Department of Agriculture (DA) ang publiko kaugnay sa posibleng health risk na makukuha sa pagkain ng smuggled na puting sibuyas.

Ayon kay DA spokesperson Rex Estoperez, ang mga naturang sibuyas ngayon sa merkado ay sinasabing hindi locally produced, kung ‘di ilegal na nadala sa bansa.

Giit ni Estoperez, wala pang puting sibuyas sa bansa.

Kung malalaki ang nakitang white onions at tuyo ang stem nito, siguradong smuggled ang naturang sibuyas.

Dagdag ng opisyal, ang mga smuggled agricultural products ay hindi sumunod sa sanitary procedures.

Paalala ng ahensya sa mga tumatangkilik ng puting sibuyas, na maaaring 99% safe ang isang taong kumonsumo nito, ngunit ang 1% na hindi kasiguraduhan na safe ang kinaing sibuyas ang siyang posibleng magdulot ng mas mahal na gastusin kung maoospital dahil sa biniling sibuyas.

Mensahe ni Estoperez, sa mga ganitong pagkakataon, huwag ipagsapalaran ang kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *