Local News

Mga labi ng yumao, isinakay sa balsa para maihatid sa huling hantungan sa baggao, cagayan

Buwis buhay ang paghatid sa huling hantungan ng isang yumao sa gitna ng rumaragasang tubig sa Zone 7, Sitio Marus, Brgy. Hacienda Intal, Baggao, Cagayan.

Batay sa salaysay ng pamangkin ng nasawi na si May-Ann Sumaoang Sales, dahil sa patuloy na buhos ng ulan ay umapaw ang tubig sa ilog kayat gumawa na lamang sila ng balsa upang dito isakay ang kabaong.

Tumagal ng hanggang 30 minuto ang pagsuong sa rumaragasang baha bago naitawid ang bangkay.

Aniya, dahil walang signal ngayon sa kanilang lugar ay nahirapan silang tumawag ng rescuer kayat nagtulong-tulong na lamang ang mga taong isakay sa balsa at maihatid sa libingan ang yumaong kaanak.

Samantala, ipinaabot nito ang kahilingan magkaroon ng bangka o magagamit sa transportasyon lalo na sa panahon ng emergency dahil kailangan pa nilang tumawid sa ilog.

BNFM Cauayan

Recent Posts

Gulong, kumalas sa trak; 2 sugatan

Sugatan ang isang fish dealer at pahinante nito habang nakaligtas ang driver ng trak nang…

2 hours ago

DA: makababawi ang bansa mula sa pagbaba ng rice production

Naniniwala si Department of Agriculture Secretary Kiko Tiu-Laurel Jr. na makababawi ang Pilipinas sa produksyon…

3 hours ago

Deniece Cornejo at Simeon Raz – nasa kustodiya na ng BuCor

Nasa pasilidad na ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) sina Deniece Cornejo at Simeon Raz.…

3 hours ago

China – nanindigang ‘di aalisin ang mga barko sa mga teritoryo ng Pilipinas

Hindi sinunod ng China ang utos ng Pilipinas na alisin ang kanilang barko sa teritoryong…

3 hours ago

Ilang senador – gustong isailalim sa military training ang mga criminology students

Nilinaw ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na…

3 hours ago

Kagamitang pandigma ng rebeldeng grupo, natagpuan sa Gattaran, Cagayan

Narekober noong Martes ng pinagsanib na puwersa ng Mobile Community Support Sustainment Team (MCSST) ng…

3 hours ago