Mga labi ni PNoy, nacremate na

Na-cremate na ang mga labi ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III at ililibing katabi sa burial place ng kanyang mga magulang sa Manila Memorial Park.

Ayon sa kapatid nitong si Kris Aquino, ang public viewing para sa mga gustong magbigay ng kanilang huling galang para kay PNoy, ay gagawin sa Ateneo de Manila University (ADMU) bukas.

Batay sa naunang pahayag ng pamilya, ang public viewing sa ADMU sa Quezon City ay magsisimula sa alas 10:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi.

Sa Sabado, ihahatid na sa huling hantungan ang dating pangulo, kung saan ililibing ang mga abo nito katabi ng kanyang mga magulang na sina dayong senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Humingi naman ng despensa ang aktres sa maiksi at simpleng seremonya, dahil iniiwasan lang umano nila ang maraming tao, alinsunod sa safety at health protocols laban sa COVID-19 pandemic. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *