Mga lalabag sa price cap hindi muna a-arestuhin ayon sa mga awtoridad

Hindi muna aarestuhin ang mga lalabag sa Executive Order no. 39 na nagtatakda ng price ceiling sa bigas.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Sec. Behur Abalos, sa ngayon ay pokus muna sila sa pagpapakalat ng impormasyon upang hindi mabigla ang mga rice retailers.

Ilang beses na rin pinapaalala ng Department of Trade and Industry na makukulong at pagmumultahin ang sino mang mapatunayang hindi sumusunod sa kautusan ng pangulo tungkol sa price ceiling.

Sinabi naman ni Abalos, na pansamantala lang ang umiiral na price cap at sa ngayon ay gumagawa pa sila ng hakbang upang matulungan ang mga maliliit na negosyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *