Mga legasiya ni dating Senador Raul Roco, inalala sa kaniyang ika-81 kaarawan

NAGA CITY- Inaalala sa Naga City ang mga legasiya ni dating Senador at Department of Education Secretary Raul S. Roco.

Ang lingkod-bayan ay matagal na nagsilbi sa publiko; kongresista, senador at kalihim ng DepEd. Kilala rin sa pagiging “warrior lawyer”. Bukod riyan nakilala rin sa department-wide transparency policy, gayundin sa “study now, pay later” para sa mga mahihirap na estudyante.

Tumatak din ang mga programa at mga adbokasiya ni Roco sa pangangalaga at karapatan ng mga kababaihan.

Agosto 5, 2005 nang bawian ng buhay ang dating opisyal dahil sa prostate cancer.

Dumalo sa mga aktibidad sa Naga kanina ang kaniyang maybahay na si Sonia Roco. Sa panayam ng Brigada News FM Naga buhay na buhay sa ala-ala si Raul bilang asawa at public servant. Kung may hihilingin aniya siya sa mga kabataan ngayon iyon ay ang kaisipan na magsilbi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *