Mga LGU sa Camarines Norte nakapagbakuna pa rin kontra COVID- 19 bago manalasa ang bagyong Paeng

CAMARINES NORTE- Hindi man nagawa ng buong linggo dahil sa bagyong Paeng ay marami pa rin ang mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa tala ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center umaabot sa 820 ang nabakunahan mula October 24 hanggang October 27.

Pinakamaraming nabakunahan sa Mercedes sa loob ng panahong nabanggit na nasa 471.

Sinusundan ito ng Capalonga na may 86 at 76 naman sa Daet.

Nasa  68 naman ang nabakunahan sa Labo, Sta Elena 35,  Paracale 27, Vinzons 23 at tig sampu sa Talisay at San Vicente.

Nasa single digit lang ang nabakunahan sa Basud na mayroong walo, lima sa Jose Panganiban at isa lang sa San Lorenzo Ruiz.

Hinihimok naman ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang mga LGU na magbakuna sa mga sementeryo ngayong Undas.

Sa harap ito ng inaasahang pagdagsa ng mga tao para bumisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay na yumao.

Ito ang unang pagkakataon pagkalipas ng dalawang taon na bubuksan muli ang mga sementeryo sa Undas.

Dalang taong sarado ang mga sementaryo sa araw ng Undas dahil sa COVID- 19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *