Mga LGUs sa Camarines Sur handa na sa National Vaccination days- DILG

NAGA CITY- Handa na ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Camarines Sur para sa National Vaccination Days.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Department of Interior and Local Government Provincial Officer Melody Relucio matapos ang pagpupulong kasama ang Provincial Government partikular na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon kay Relucio, tiningnan ang kalagayan ng bawat LGU mula sa matataas ang vaccination rate hanggang sa pinakamababa. Inalam kung saan nahihirapan at kung ano ang kulang. Kaya naman inatasan ng Provincial Government ang mga LGU na mataas ang bilang ng nabakunahan na mag augment o tulungan ang mga nasa baba ng listahan ng Department of Health.

Una rito ang bilang ng magbabakuna, gamit at magsasagawa ng information dissemination ngayong marami pa ang nagdadalawang isip.

Pagpupunto ni Relucio, nais ng DILG Camarines Sur na walang halal na opisyal na kakasuhan dahil sa pagpapabaya sa vaccination rollout kaya nagtutulungan upang maabot ang herd immunity.

Ang National Vaccination days ay nakapalaman sa Proclamation No. 1253 o “Bayanihan, Bakunahan”

Leave a Reply

Your email address will not be published.