NAGA CITY – Support Local Artist, ito ang nais na mangyari ng LGU-Naga kaya naglaan sila ng pondo bilang talent fees sa mga magpe-perfrom na mga local band at singers sa mga programa para sa ika-75 taong Charter Anniversary ng lungsod.
Mas mataas ang talent fees ang matatanggap ng mga local artist, na kabilang sa sector na grabeng naapektuhan ng pandemya.
Ito ang paniniyak ni Allen Reondanga, Head ng City Events Protocol and Public Information Office at In-Charge sa Arts and Culture sa lungsod, sa ginawa niyang pagharap sa media, kasabay sa paglatag ng mga magiging programa at aktibidad sa selebrasyon.
Ayon kay Reondanga, may walong milyong piso silang inilaang pondo sa diamond jubilee celebration na ito, na siyang pangkukunan ng talent fee ng mga local artist.
Mamayang gabi, may local artist concert na mangyayari sa Plaza Rizal, hanggang linggo ng gabi.
Kabilang pa sa mga activities ay ang Agri-Fair, Night Market, Serbisyong Nagueno Caravan, DepEd Night, Mayor Legacion E-Games Battle at iba pa.
Magiging masaya ang buong Naga City, at mga bisita, sabi pa ni Reondanga.