Mga lugar na isina-ilalim sa signal no.1 dahil sa bagyong ‘Karding’ nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga ilang mga lugar na nasa ilalim ng bagyong Karding.

Huling namataan ang bagyo sa  805 km East ng Northern Luzon taglay ang maximum sustained winds na papalo sa 85 km /h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 km/h.

Kumikilos ito pakanluran Timog-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Dahil sa bagyo isinailalim ng PAGASA sa signal number 1 ang Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, southern portion of mainland Cagayan, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at northern at eastern portions ng Nueva Ecija.

Samatala ang Visayas, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Cagayan, Isabela, at Aurora ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon at Trough ng TS Karding.

Inihayag naman ng PAGASA na posibleng itaas pa ang Tropical Cyclone Wind Signal sa oras na lumapit pa ang bagyo sa kalupaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *