Mga lugar sa NCR plus patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases

Napansin ng independent analytics group na OCTA research ang mabilis na pagsipa ng COVID-19 cases sa mga lugar na sakop ng NCR plus.

Sa isang tweet ni OCTA fellow Guido David ito ay kinabibilangan ng Cavite na nagtala ng 3,139 na bagong kaso, 2,265 sa Rizal, 1,935 sa Laguna, at 1,291 sa Bulacan.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ng virus ay ang NCR na nagtala ng 15, 659 nitong Linggo.

Binigyan-diin ng OCTA na ang naturang bilang ay 43 percent sa kabuoang kaso ng COVID-19 daily tally sa bansa.

Una nang inihayag ng grupo na posibleng mas mataas pa ng anim hangang labing-limang beses ang kaso ng COVID-19 sa bansa kumpara sa bilang na inilalabas ng DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *